LOLA, BINUHUSAN AT SINILABAN NG KANIYANG MANUGANG SA CEBU CITY
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Matapos ang dalawang linggo sa hospital, pumanaw na ang isang lola sa Carcar City, Cebu matapos buhusan at silabhan ng kaniyang manugang.
Nagtamo ng matinding paso sa katawan ang biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Ayon sa ulat, Enero 5, 2025 nang sadya siyang sunugin ng kaniyang manugang sa labas ng kanilang bahay dahil hindi na raw umuuwi ang asawa ng suspek kaya hinanap niya ito sa kaniyang biyenan.
Ilang araw matapos gawin ang krimen, namatay din ang suspek dahil sa impeksyon matapos isubo ang pinutol na hawakan ng isang toilet cleaner brush.
COURTESY: Benji Talisic/Contributed Pictures via GMA Regional TV Balitang Bisdak