Bigla na lang hindi namansin at nagpakita yung estudyanteng tinrato ni mama na parang sarili niyang anak.
Problem/Goal: May tinutulungan si mama na financially incapable student na napamahal na rin sa pamilya namin. Pero isang araw, bigla na lang siyang hindi namansin (kahit nagkakasalubong kami). Hindi na rin siya nagpapakita kay mama.
Context: My mom owns a small food business, and may student na doon palagi tumatambay. Eventually, nalaman namin na he lives far from his family and that they are financially incapable. Since then, tinulungan siya ni mama sa pamamagitan ng pagbibigay ng baon sa kanya araw-araw, free lunch and dinner, etc. Pero ayon na nga, bigla siyang hindi namansin at nagpakita sa tindahan for so long, tapos nalaman na lang namin na sa tindahan ng tita ko na siya tumatambay at tumutulong.
Yung tita ko na ‘yon ay nakaaway ni mama and she has this habit of backbiting the people she hate and spreading false rumors. Proven and tested na ‘yan, but that’s another story. So ang hunch namin, may sinabi si tita sa kanya which made that student hate my mother. Prior to the incident as well, ilang beses kami nanakawan ng pera sa tindahan at wala kaming specific person na sinisisi (although possible na isa lang sa mga nagbabantay o tumutulong sa amin noong mga araw na nanakawan kami, which includes that student). Hindi namin sinabi sa helpers at kahit sa student na ‘yon yung about sa theft except sa family namin, but my tita knew and we feel like siya ang nagsabi doon sa student and minasama yata yung naiisip namin. Ang bigat lang sa loob ko seeing my mother na nalulungkot kasi parang naging anak niya na rin yung student na ‘yon tapos hindi man lang siya nabigyan ng chance to really explain her side. Nalulungkot ako, pero siguro naman nagpprovide na rin ng tulong si tita sa kanya.
Previous Attempts: After how mant months of not showing up, nagpakita bigla yung student and doon sinabi niya na natatakot daw siya kay mama kasi sinabi raw ni tita na galit daw si mama sa kanya. Nagkausap at nagkaayos naman sila. However, after ‘non, tuluyan nang hindi namansin yung student. We had a few encounters, pero wala na talagang pansinan. Parang walang pinagsamahan. I’m really hurting for my mom and for that student. Parang nabawasan kami ng isang family member.
This has been bothering me for months now, so I’d appreciate your insights and advice. Thank you so much.