To be honest, gusto ko rin talaga magkaanak.
I'm in my late 30s. Kung sisingilin ko lahat ng nagsasabi at nagtatanong sakin na bakit wala ka pang anak, dapat mag-anak ka, iba pa rin may anak, nakabili na ko ng kotse. Nung una medyo nangiti ngiti lang ako at sinasagot ko sila na kung ibibigay, eh hindi pa. Pero ngayon nasa stage na ko ng anger. Napipikon na ako. Kung alam nyo lang yung desire ko to have a child. Hay. So ngayon pag may nagsasabi saking ganyan, sinasagot ko na lang na ayoko na po magkaanak kahit sa kaloob-looban ko gustong gusto ko talaga. May isang kamag-anak nga ako sinagot ko na baog po ako para tigilan na ako. Pero nagpacheck-up na kami ng asawa ko. We're both fine. Wala lang sa timing plus he's an OFW. Ayun lang. Gusto ko lang mag-rant at kakaalis lang ng mga bisita namin. Ako na naman pulutan sa kwentuhan.