May kumuha ng order ko. Naiinis lang ako
Yung post ko ay hindi ganon kaserious tulad ng iba dito. Gusto ko lang magrant kasi naiinis ako sa kumuha ng order ko. Kaninang mga 12 nag order ako online isang meal worth 350. Paid thru gcash so wala na kong babayaran. And sinabi ko na iiwan niya nalang sa doorstep ko kasi binabantayan ko naman. Ang tagal nung order, 2pm na wala pa, chineck ko ulit yung delivery app and sabi dun nadeliver na daw? How?? Meron pang pic ng labas ng bahay pero wala for proof of delivery. Wala sa tapat ng door, wala kahit saan na pwede nya iiwan. Only conclusion ko nalang is may kumuha since KANINA pa pala sya delivered and may mga tao rin sa labas. Tinanong ko pa yung tindera sa tapat ng bahay namin if may napansin ba sya, sabi nya oo daw may nag iwan ng paperbag sa tapat pero nawala na rin daw, di daw nya alam sino kumuha. Walang cctv or anything kaya walang solid proof. Sumakit sana tyan ng kumuha non. I have to order again pero feeling ko di ko na maeenjoy kumain kasi mas nakafocus ako kakaisip sino kumuha😭