Traumatized sa bestfriend ni bf
Gusto ko lang mag rant since shems traumatized nako sa nangyari. Soo.
Birthday ng jowa ko and kagabi gusto niya mag resto bar, since birthday naman niya pinagbigyan ko na. Sinama namin yung kaibigan niya(M), long long long best friend niya yon since highschool 8yrs na. Tatlo lang kami, hindi ako sanay na umiinom na ako lang yung babae pero pumayag ako since kasama ko naman bf ko and kaibigan naman niya yon. 2yrs na kami ni bf and pag na kwekwento niya yung kaibigan niya sobrang ganda ng samahan nila, grabe rin yung tiwala niya ron. Sobrang magkasundo raw sila to the point na may time na don na tumira sa bahay nila yung kaibigan niya. Tapos yung tawagan pa nila "kabsat" (kapatid in tagalog). Basta yung friendship nila malalim na talaga, hindi yung basta bastang kaibigan lang.
So pag nagkakasama kami malapit narin yung loob ko sa kaibigan niya since ganon nga mga kwento ni bf. Pero kagabi naparami yung inom ng kaibigan niya, ako rin may tama na. Si bf sakto lang. Nung pauwi na kami since paika Ika na yung kaibigan niya sabe ni bf alalayan ko raw papunta sa sasakyan nung kaibigan niya since yung sasakyan namin kinukuha rin ni bf, pero hindi naman ganon kalayo. Hindi ko siya hinawakan tinitignan ko lang kung matutumba ba siya or what sabe ko pa bilisan niya at may gagawin pa kami ni bf tapos nagulat ako kasi sabe niya "t@ngina tirahin (s*x) kita jan, kung di ko lang kapatid si (name ni bf)" sobrang nabigla ako sa sinabi niya tumakbo ako kay bf pero hesitant ako magsabe kasi iniisip kong kaibigan niya yon, pano kung mag-away sila. Sobrang bigat ng paghinga ko, tinignan ako ni bf tinanong kung anong problema umiiling lang ako tas sabe ko uwi na kami. Inulit ulit niya yon tinanong kasi umiiyak na ako. Akala niya nabastos ako kasi may mga kasabayan din kami nun umuwi. Yung itsura niya parang makikipagsuntukan na siya pag sinabi kong may nangyare nga. Kaya natatakot akong sabihin kasi birthday niya that day, tapos malalaman niyang yung kaibigan niya pinagsalitaan ng ganon yung gf niya?
Pagkauwi namin hindi ako gano makahinga nagbabad ako ng ice para kumalma rin. Sa buong buhay ko never pako pinagsalitaan ng ganon ng kahit sino, at makukuha ko pa talaga yon sa bestfriend ng bf ko? Tanong ng tanong si bf kung anong nangyari. Kaya sinabi ko rin sakanya. Tumahimik siya pero ramdam ko yung gigil niya. Sinabi ko na takot ako magsabe kasi kaibigan niya yon, sabe niya walang kaibigan na ganon.
Kinaumagahan nag chat sakin yung kaibigan niya sabe niya call lang daw ako pag kelangan with finger heart pa. Yung trauma ko bumalik eh. Inunfriend kona siya. Hays grabe. The audacity.
Ano po kaya ang gagawin ni bf about this....