Wag nyong gawing personality ang Dubai
Gusto ko lang i share ang rant na to kasi ang tagal ko ng kinikimkim to. Halos lahat ng mga kaibigan ko nag work na abroad at karamihan dun nag Dubai sila. Isa ako sa mga naiwan dito kasi okay naman kinikita ko dito. I am genuinely happy sa mga friends ko na naachieve nila ang gusto nilang work at environment. Kinakamusta ko from time to time at okay naman parang typical na LDR na magkakaibigan na nag vid call. Not until nun tumatagal pag nagkakakwentuhan inaaya nila ko na mag work na din dun kasi maganda at malaki daw sweldo. Sabi ko punta nalang ako pag mag bakasyon pero okay naman kasi ako sa work ko dito and not anytime soon di ko nakikita sarili ko magtrabaho dun. Tapos magrerespond sila sakin in a way na parang ipapamukha sakin na wala ako future dito at di hamak na mas malaki sweldo nila sakin lol. Tapos yun isa kinamusta ko kelan sya uuwi for vacation at paulit ulit nya tinatanong bakit ko tinatanong kelan sya uuwi. Nakaschedule kasi kami magkita and pinaplano ko lang mga lakad ko. Sobra bland nya magreply as if mangungutang ako. Lagi nila niyayabang magagandang places na napuntahan nila dun. Which is napuntahan ko na din naman for travel. Ginawang personality ang Dubai ampota. Lagi yun ang bukambibig pag nag uusap na ang laki na daw ng naiipon nila. Ganto daw ka laki sweldo nila. Good for them pero di kasi lahat para sa pag aabroad ang track sa buhay.