Minura ako ng barkada ng boyfriend ko.
Minura ako dahil sinabihan ko na bastos sya. Nasa inuman sila sa isang subdivision, nag attend ng bday party. Ang bf (24) ko, five days straight ng umiinom at umuuwi ng late. Nag decide ako (24) na kausapin siya, Na-convince ko siya na uuwi ng 10pm since walking distance lang naman bahay nila sa bday at 1yr old lang naman yung pinuntahan nya. And he agreed.
FF, nung malapit na mag 10pm, nag VC ako thru messenger. Di ko pa man sya nakakausap, inabot nya na agad sa friend nya yung phone. Ang bungad sakin ng barkada nya, “sino to?” “si Mariel?” (fyi, Mariel is not my name!!) sabi pa nya “Blonde buhok non ah. Iba nnman kausap mo ngayon?” Tinaasan ko sya ng kilay tapos sabi nya “joke lang! biro lang eh” THE DAMAGE HAS BEEN DONE. LDR kami ng bf ko tas ganun maririnig ko?!
we are not that close para makipag biruan sa ganung level. I got offended. I felt disrespected. Ang sakit.
Ang sabi ko sakanya “hindi ikaw gusto kong kausap. Bastos ka!” nung narinig nya yun, binalik nya yung cp sa bf ko. tas sabi nya “sinabihan ako ng bastos ng animal na yan!” sabi nya sa bf ko.
Mas lalo ako nagalit at nasaktan nung walang ginawa bf ko nung sinabi ng barkada nya yun sakin. Alam niya na narinig ko, at ako ang minura ng kaibigan niya pero wala man lang sya ginawa para ipagtanggol ako?
To my EX (BF), Magpakalasing ka hanggat gusto mo!! Magsama kayo ng mga barkada mo. Pagod nako. Sa 6 years natin, di mo man lang ako pinagbigyan pag pinapauwi kita ng maaga. Ikaw lang nasusunod. Gusto mo ikaw lang lagi. Give and take pala ha?! MUKHA MO REDHORSE!!
EDIT/UPDATE: hiwalay na po kami. Opo, iniwan ko na. Hindi na po kami and yeah, 6 years is really a long time. Sa loob ng 6 years, ngayon lang nangyare to simula ng magkaroon sya ng new set of friends. I met most of his friends (same province lng kasi kami pero recently lang kami lumipat ng fam ko) pero etong friend niya na to, bagong lipat lang sa subdivision nila.
Finally, I had the courage to break up with him. Nagulat lang ako kasi sa loob ng 6 years, wala lang pala ako sakanya. Please don’t invalidate my feelings. Nagising din ako kahit sobrang late na at tumagal pa ng anim na taon relationship namin.