still accepting gifts even when having a long-time LIP
So, I have this close friend ngayon. And hindi ko alam if ano dapat ma-feel ko, e. Medj 50-50 ako about this one.
My friend is sooo pretty. Like, conventionally attractive talaga si ante ko. And because of this, she has several admirers talaga.
'Etong mga admirers niya, super generous talaga when it comes to her. Like, bigay gifts sa kaniya randomly—makeup, fragrance, coffee, flowers, etc.
However, 'etong si ante ko ay may long-time LIP na, more than 7 years na 'ata sila, if I am not mistaken. Mayroon na rin silang anak.
Kapag may natatanggap siyang gifts, tinatanong naming mag-t-tropa if ano sinasabi ng LIP niya kapag may nagbibigay sa kaniya. Out of curiosity lang. She responded na (verbatim) "okay lang sa kaniya; at least, hindi raw naman nila ako napakikinabangan." Okay, that's good to hear naman.
Kaso recently, napag-awayan na nila 'etong matter na ito. Medj nainis na 'ata LIP niya sa pagtanggap niya ng gifts. Kasi 'yung last gift na natanggap niya, teddy bear na may hawak na note na "mamahalin kita nang 10,000 na taon" in Japanese. 😭
Mayroon pang one time na siya mismo pumunta sa building nu'ng guy para lang kunin 'yung regalo niya.
Ngayon, hindi ko alam if ano stand ko about this one. Part of me says na okay lang naman talaga 'yun, as long as hindi nga naman siya napakikinabangan. However, may thought din ako na parang hindi nga 'ata maganda tingnan if tatanggap pa ng gifts from supposed "suitors" or "admirers", lalo na't may serious commitment na.
Personally, ano stand niyo about this one?