I cried during my nesting
Yes, that's it. I cried. I know normal lang na may maiyak pero ang wholesome kasi ng reason bakit ako umiyak. While most trainees cry dahil irate yung cx, umiyak ako kasi ang bait bait nung nagcall sa akin.
I'm handling a retail account and I had an elderly customer. Very sweet. Umabot ng almost 1 hour yung call namin dahil hindi ko ma-verify yung last 4 digits ng card number niya at ang dami niya na pinrovide.
As someone na very soft ang heart sa elderly people, I really tried my best to help her. I tried finding different ways para ma-verify at ang dami ko na ring naitanong sa kaniya. Pero in-between our calls, she keeps on saying na "I'm so sorry, sweetheart. I must've been a pain to deal with," or "I'm so stupid, I'm really sorry."
I assured her na it's alright and she's doing great. Hanggang sa naalala ko yung lola ko (nakapagbantay ako sa lola ko bago siya mamatay) kaya hindi ko napigilang banggitin na she reminds me of my grandma. We laughed and nagpatuloy sa pagresolve sa issue. She would also call me lovely, darling, angel, etc. You know, mga sweet nicknames ng mga grandmas.
Noong nakapagbigay na ako ng resolution and I was about to end the call, nag-sorry ulit siya kaya sabi ko na ayos lang kasi naiintindihan ko nga dahil nagbantay ako sa lola ko noon at alam ko kung gaano kahirap na para sa kanila gumalaw. Iniisip ko kasi building rapport na din ito at showing empathy. Doon na part na ako naiyak since bigla kong na-miss yung lola ko habang patuloy pa rin siya sa pag-sorry na kesyo nasayang niya oras ko and something between those line.
Tapos ayun, she asked for my name tapos ako todo pigil na sa iyak at hagulhol tapos pina-spell niya pa, grabeng pagpipigil ang ginawa ko para di lang ako humagulhol so much HAHAHAHAHHA. I said my closing spiel and she ended the call. Tawang-tawa mga supervisors ko sakin, buti nalang daw at hindi Healthcare ang account ko dahil baka everyday daw ang iyak ko lol.
I just felt like sharing this. That time, I was already having second thoughts kung tutuloy pa ba ako sa BPO, umiyak ako a night before and asked the universe to give me a sign. I guess this grandma was the sign?
Edit: spelling
Edit: Alam kong sablay ako sa AHT pero 2nd day palang namin sa nesting noon kaya maluwag. Bumawi ako sa ibang calls ko. Naishare ko lang naman dahil nag-expect ako na maiiyak ako dahil sa irate customers at hindi dahil sa isang sweet granny. Aware din po ako na hindi ganito lagi, ilang calls na rin po ang na-take ko at halo-halong ugali na ng mga customers ang nakausap ko. Pasensya kung hindi ako kasingtigas niyo.